Malapit na akong isang maging ganap na OFW. Nakksss. Dati di ko pinangarap na magtrabaho abroad, kasi masyadong malayo ang abroad sa pangasinan,di ako makakauwi. Okay naman ako dito sa Manila eh, kaso may opportunity na dumating na magwork abroad. Di naman talaga dahil sa pera kaya ako aalis. Kaso, sayang ung magiging exposure ko dun at sayang din ung chance na makapagtravel ako and at the same time sumusweldo ako.
Nakakatuwa, nakakaexcite, nakakalungkot.
Tama talaga na pag nagdesisyon ka, parating may cons yun, kahit na sobrang okay ung desisyon mo, meron at meron ding side effect (parang double entry bookkeeping, kung may debit, laging may credit). Pero napagisipan ko naman na un, tanggap ko na dapat talaga akong magsakripisyo. Ginusto ko to, kaya dapat kayanin ko. Di naman ako forever na andun. Kaso, di ko pa rin maiwasan na mag-alala sa mga maiiwan ko dito (or siguro sila rin, di rin nila maiiwasan na mag-alala sa akin pagdating ko dun).
Pero kahit anong mangyari, isa lang ang sigurado ko. Kayang kaya ko to!!! =)
"kahit saan, kahit sino, kahit kailan, kahit paano, kayang kaya ni ka bayani" - Gary Granada (Ka Bayani)
No comments:
Post a Comment