Sunday, May 06, 2007

Bored

Dapat papasok ako, dahil marami akong rereviewhin, kaso tinatamad ako.

Natulog ako last night around 10 at nagising ako kanina around 9. Nagising ako kasi, masakit na likod ko (meaning matagal na akong natutulog). Nagsimba ako kanina around 10, kasi kung ndi, tatamarin na naman ako.

1pm na, nagiisip pa din ako kung papasok pa din ako. hehe.. Got so many things to do, but im still bored. Ironic noh? I should not be bored, kasi madami akong gagawin. Or sawa na talga ako sa mga pinaggagawa ko. hayyyyy.....

I wanna watch a movie, kaso puro spiderman 3. Ayoko pang manood ng spiderman 3. Di ko type. (mukhang ako lang ang ndi interesado sa spiderman 3) Marami pa din akong DVD na di napapanood, kaso ayoko namang magstay sa bahay (andito ako sa internet cafe). Dahil sobrang init.

Dapat maglalaba ako. Kaso mamaya na lang. At tsaka hindi ko pa din nakuha ung pinalaba ko last sunday. Kasi la namn akong time na kunin. Di ko naaabutang bukas ang laundry shop. Hopefully, makuha ko na un mamaya.

Dapat ipapaayos ko ung shoes ko, kaso nung dumaan ako sa Mr. Quickie kanina, sarado pa. Alas 11 na un. Baka hindi magbubukas. Iniisip ko nga kung papagawa ko pa. Bili na lang ako ng bago. Ang kaso, la akong pambili. Hehe.

Dapat maglilinis ako ng room. Dahil feeling ko, puro alikabok na ang laman ng room ko kasi since busy season ala talaga akong time maglinis. Kaso, dahil sa sobrang init, kakatamad maglinis. hehe. magwawalis na lang ako at magpupunas punas ako mamaya paguwi.

Dapat aayusin ko ung mga gamit na dapat ko ng iuwi sa province. Dapat na kasi akong magbawas ng gamit. Parehas ng reason ko sa paglilinis ng room.

Dapat maglalakad lakad ako sa mall ngayon, kasi gusto kong maghanap ng bagong phone. Gusto ko ng palitan tong phone ko. (wawa na kasi, 4 years old na, di pa din napapalitan) Ang kaso, dahil tinatamad ako. Saka na lang.

Di ba ang dami ko dapat na gagawin. Kaso, ayoko namang gawin. Kasi nga tinatamad ako. Hehe.

Tapos sa lagay na yan, nabobore pa din ako.

Maghanap na nga lang ako ng bagong trabaho. Baka sakaling maging productive ako sa paghahanap. ^^

(so 90% ang chance na di ako papasok. it's a sunday, a rest day. kaya magrerelax na lang ako! ^^)

No comments: